Sanaullah Ghafari

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol sa lider ng ISIS-K na si Shahab al-Muhajir. Noong Hunyo 2020, hinirang ng pangunahing pamunuan ng ISIS si al-Muhajir na kilala rin bilang si Sanaullah Ghafari, upang maging lider ng ISIS-K, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon). Isang abiso ng ISIS na nag-aanunsyo ng kanyang pagkahirang ang naglarawan kay al-Muhajir bilang isang may karanasang lider ng militar at isa sa mga “leon ng kalunsuran” ng ISIS-K sa Kabul na naging sangkot sa mga operasyon ng gerilya at sa pagpaplano ng mga pagpapatiwakal at kumplikadong pag-atake. Ipinanganak sa Afghanistan noong 1994, responsable siya sa pag-apruba sa lahat ng operasyon ng ISIS-K sa buong Afghanistan at pagsasaayos ng pagpopondo para magsagawa ng mga operasyon.

Skip to content