Pagdukot at Pagpatay sa mga Amerikano sa Pilipinas
Ang RFJ ay nagbayad ng gantimpalang $100,000 para sa impormasyong nauwi sa pag-aresto sa terorista napapabilang sa Abu Sayyaf Group (ASG) na si Toting Hanno sa Pilipinas.
Toting Craft Hanno ay miyembro ng ASG na sangkot sa pagdukot sa tatlong mamamayan ng Estados Unidos mula sa Dos Palmas Resort sa Palawan sa Pilipinas noong Mayo 27. 2001. Ang tatlong Amerikano ay tinukoy bilang sina Guillermo Sobero at Martin at Gracia Burnham, mag-asawang misyonaryo ng Estados Unidos. Noong Hunyo 11, 2001, inanunsyo ng tagapagsalita ng ASG na si Abu Sabaya na pinatay na si Guillermo Sobero bilang “regalo sa kaarawan” para kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Pilipinas. Noong Oktubre 7, 2001, may nakuhang bungo ng isang tao sa Isla ng Basilan, na nakumpirmang kay Guillermo Sobero. Noong Hunyo 2002, namatay si Martin Burnham sa barilan sa pagitan ng mga Pilipinong sundalo at ASG; nasugatan si Gracia Burnham ngunit nailigtas at naibalik sa Estados Unidos.
Noong Enero 6, 2005, inaresto si Hanno ng mga pwersang panseguridad ng Pilipinas na kumilos nang ayon sa impormasyong ibinigay ng isang impormante.
Magsumite ng Tip
Gawin ang iyong bahagi. Lumikha ng mas ligtas na mundo at mas magandang kinabukasan. I-click para matutunan ang tungkol sa mga opsyon ng Rewards for Justice sa pag-uulat ng tip.
- Mga Pagbihag/Pagdukot
- North Korea
- Pakikialam sa Eleksyon
