Pag-hijack sa TWA Flight 847

Europa at Eurasya | Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pag-hijack sa TWA Flight 847 noong 1985. Noong Hunyo 14, 1985, hinaijack ng mga terorista ang TWA Flight 847 noong lumilipad ito mula Athens patungong Rome. Sa mahigit 17 araw, ang eroplano ay pinilit na magkrus sa Mediteraneo habang sakay ang 153 pasahero at mga miyembrong tauhan, mula Beirut patungong Algiers at pabalik, na lumapag sa Beirut ng tatlong beses. Sa unang paglapag sa Beirut, binugbog nang husto at pagkatapos at binaril at pinatay ng mga hijacker ang U.S. Navy diver na si Robert Stethem.

Noong Nobyembre 14, 1985, isinakdal ng pederal na hurado ng Estados Unidos sina Ali Atwa, Mohammed Ali Hamadei, at Hasan Izz-al-Din para sa kanilang papel sa pag-hijack. Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon sa abawat isa para sa impormasyon tungkol kay Atwa, Hamadei, at Izz-al-Din.

Skip to content