Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $500,000 para sa impormasyon tungkol kay Tahil Sali, isang komandante sa the Moro National Liberation Front (MNLF) na nagsagawa ng mga teroristang pag-atake.
Noong Setyembre 29, 2009, isang bombang inilagay ng MNLF ang nagpasabog sa isang komboy ng mga sasakyang militar sa Isla ng Jolo, Pilipinas. Ang pagsabog ay pumatay sa dalawang sundalo ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos at isang sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na bahagi ng misyong pangkawanggawa na magtatayo ng paaralan sa lugar. Noong Mayo 21, 2010, inilabas ng 9th Judicial Region ng Pilipinas ang mandamiyento ng pag-aresto para kay Tahil Sali para sa kanyang papel sa pag-atake.
