Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $7 milyon para sa impormasyon tungkol kay Salman Raouf Salman na kilala rin bilang si Samuel Salman El Reda at Salman Remal. Pinamumunuan at sinusuportahan ni Salman ang mga teroristang aktibidad ng Hizballah sa Kanlurang Emisperyo. Isang lider sa External Security Organization (ESO) ng Hizballah, si Salman ay naging sangkot din sa mga pagtatangka sa buong mundo. Ang ESO ay ang elemento ng Hizballah na responsable sa pagpaplano, pag-uugnay, at pagpapatupad ng mga teroristang pag-atake sa labas ng Lebanon. Ang mga pag-atake ay pangunahing pinuntirya ang mga Israel at Amerikano.
Si Salman ay sinuring nagsilbi bilang tagapag-ugnay para sa pagbomba sa Arhentinong Jewish Mutual Aid Society, isang sentrong pangkomunidad para sa Hudyo sa Buenos Aires noong Hulyo 18, 1994. Ang pagsabog mula sa ginawang aparatong bomba na dala ng sasakyan ay pumatay sa 85 katao at sinugatan ang mahigit 300.
Noong Hulyo 19, 2019, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Salman bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Salman na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Salman. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Hizballah, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).
