Sajid Mir

Timog at Gitnang Asya

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Sajid Mir na kilala rin bilang si Sajid Majid Chuhdri at Sajid Majid. Si Mir, ang nakakataas na miyembro ng Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon) na Lashkar-e-Tayyiba (LeT) na nakabase sa Pakistan, ay pinaghahanap dahil sa kanyang pagkakasangkot sa mga teroristang pag-atake sa Mumbai, India noong Nobyembre 2008. Si Mir ang tagapamahala ng mga operasyon ng LeT para sa mga pag-atake na may ginampanang nangungunang papel sa pagpaplano, paghahanda, at pagpapatupad.

Simula noong Nobyembre 26, 2008, at nagpapatuloy hanggang Nobyembre 29, 2008, 10 indibidwal na sinanay ng LeT ang nagsagawa ng serye ng pinag-ugnay-ugnay na mga teroristang pag-atake laban sa maraming pinupuntirya sa Mumbai, India na pumatay sa 166 na katao. Anim na Amerikano ang kasama sa mga napatay sa panahon ng 3-araw na paglusob. Sina Ben Zion Chroman, Gavriel Holtzberg, Sandeep Jeswani, Alan Scherr, Naomi Scherr, at Aryeh Leibish Teitelbaum.

Si Mir ang naging nakakataas na miyembro ng LeT mula pa noong humigit-kumulang 2001. Mula 2006 hanggang 2011, si Mir ang nangangasiwa sa mga panlabas na operasyon ng LeT at pinlano at idinirekta ang iba’t ibang teroristang pag-atake sa ngalan ng grupo. Bukod dito, si Mir diumano ay nakipagsabwatan upang isagawa ang mga teroristang pag-atake sa isang pahayagan at sa mga empleyado nito sa Denmark sa pagitan ng 2008 at 2009.

Para sa kanyang papel sa mga pag-atake sa Mumbai, si Mir ay isinakdal sa Estados Unidos noong Abril 2011. Noong Agosto 30, 2012, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Mir bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Mir na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Mir. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa FTO na LeT. Si Mir ay nasa Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap ng FBI. Siya ay pinaniniwalaang naninirahan sa Pakistan.

Skip to content