Pag-hijack sa Pan Am Flight 73

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan | Timog at Gitnang Asya

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pag-hijack sa Pan Am Flight 73. Noong Setyembre 5, 1986, hinaijack ng mga pinaghihinalaang miyembro ng teroristang grupong Abu Nidal Organization ang Pan Am Flight 73 habang nakalapag ito sa Karachi, Pakistan na may sakay na 379. Pagkatapos gawing bihag ang mga pasahero at mga tauhan ng halos 16 na oras, sinimulan ng mga hijacker ang walang patumanggang pamamaril. Dalawampung katao, kabilang ang dalawang Amerikano, ang napatay at mahigit 100 ang nasugatan.

Limang teroristang nakibahagi sa pag-hijack ang sa wakas nahuli, nilitis, at sinentensyahang mabilanggo sa Pakistan. Ngunit, apat sa mga hinatulan ay iniulat na pinalaya sa pagkakabilanggo noong Enero 2008 at nananatiling pinaghahanap. Ang bawat isa ay isinakdal ng pederal na grand jury ng Estados Unidos at nasa Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap ng FBI. Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa bawat isa sa mga indibidwal na iti:

Wadoud Muhammad Hafiz al-Turki Jamal Saeed Abdul Rahim Muhammad Abdullah Khalil Hussain ar-Rahayyal Muhammad Ahmed al-Munawar

Skip to content