Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga pagpatay sa mga empleyado ng U.S. Agency for International Development (USAID) na sina John Granville at Abdelrahman Abbas Rahama. Noong Enero 1, 2008, sina Granville at Rahama ay pauwi pagkatapos ng pagsasalu-salo noong Bisperas ng Bagong Taon sa Khartoum noong sila ay pinagbabaril at napatay. Dalawang grupo ang magkahiwalay na umamin ng responsibilidad sa mga pagpatay: ang nabuwag na ngayong al-Qa’ida in the Land of Two Niles (AQTN) at ang Ansar al-Tawhid (Mga Tagasuporta ng Monoteismo).

Limang kalalakihan ang nilitis at hinatulan sa legal na sistema ng Sudan para sa kanilang pagkakasangkot sa mga pagpatay. Sina Abdelraouf Abu Zaid Mohamed Hamza, Mohamed Makawi Ibrahim Mohamed, Abdelbasit Alhaj Alhassan Haj Hamad, at Mohanad Osman Yousif Mohamed ay sinentensyahang mamatay sa pamamagitan ng pagbigti, ngunit sila ay nakatakas sa Khober Prison ng Khartoum isang taon pagkatapos ng pagkahatol sa kanila. Si Mohanad ay inulat na namatay sa Somalia noong Mayo 2011. Muling dinakip ng mga awtoridad ng Sudan si Abdelraouf. Sina Makawi at Abdelbasit ay nananatiling pinaghahanap, [hyperlink to reward offers for Makawi and Abdelsit] si John Granville, 33, dating Boluntaryo ng Peace Corps at mananaliksik sa Camerron, ay nagtatrabaho para sa ISAID sa katimugan ng Sudan ng mahigit tatlong taon. Ang kanyang trabaho ay nakasentro sa mga programa ng demokrasya at pamamahala, kung saan nagpamahagi siya ng mahigit 50,000 wind-up, solar na radyo upang matulungan ang mga mamamayan sa rehiyon na gamitin ang kanilang mga karapatan at maghanda para sa mga halalan. Si Abdelrahman Abbas Rahama, 39, ay nagtatrabaho sa USAID mula pa noong 2014 bilang isa sa mga orihinal na miyembro ng USAID Disaster Assistance Response Team para sa Darfur, Sudan. Pagkatapos, siya ay naging tagapagmaneho para sa misyon ng USAID/SUDAn sa Khartoum.
