Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Murat Karayilan na kilala rin bilang si Cemal. Si Karayilan ay ang nakakataas na lider sa loob ng Kurdistan Workers Party (PKK) at ang puno ng People’s Defense Forces ng PKK, ang militar na sangay ng grupo. Ang PKK ay isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).
Noong Oktubre 14, 2009, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Karayilan bilang isang Significant Foreign Narcotics Trafficker (Malaking Banyagang Ilegal na Nangangalakal ng Narkotiks) alinsunod sa Foreign Narcotics Kingpin Designation Act (Kingpin Act) Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, ang anumang pag-aaring mayroon ang Karayilan sa ilalim ng hurisdiksyon ng Estados Unidos ay nilagyan ng restriksyon, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos ay pinagbabawalang magsagawa ng mga pinansyal o pangkomersyong transaksyon sa Karayilan.
