Muhammad Kawtharani

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 10 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga aktibidad, network, at kaugnayana kay Muhammad Kawtharani na kilala rin bilang si Jafar Kawtharani. Si Kawtharani ay isang nakakataas na lider ng mga puwersa ng Hizballah sa Iraq. Naging tungkulin ni Kawtharani ang ilan sa mga pulitikal na pakikipag-ugnayan ng mga paramilitar na grupong nakabase sa Iraq at nakahanay ang paniniwala sa Iran na dating inoorganisa ng namatay na ngayong heneral ng Islamic Revolutionary Guard Corps na si Qasem Soleimani.

Pinangangasiwaan ni Kawtharani ang mga operasyon ng mga grupong nasa labas ng kontrol ng Pamahalaan ng Iraq na marahas na siniil ang mga protesta, inatake ang mga diplomatikong misyon, at nakibahagi sa malawakang inorganisang kriminal na aktibidad. Bilang isang miyembro ng Pulitikal na Konseho ng Hizballah, itinaguyod ni Kawtharani ang mga pagsusumikap ng Hizballah na magbigay ng pagsasanay, pagpopondo, at pulitikal at lohistikal na suporta sa mga rebeldeng grupo ng Iraqi Shia. Tinulungan din ni Kawtharani ang mga ekstrimistang bumibiyahe patungong Syria upang suportahan ang rehimen ni Assad.

Noong Agosto 22, 2013, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Kawtharani bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Kawtharani na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Kawtharani. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Hizballah, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).

Skip to content