Moro National Liberation Front (MNLF)

Silangang Asya at Pasipiko

Gantimpala

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Moro National Liberation Front (MNLF) ay itinatag sa Pilipinas noong 1972. Nagsimula ito bilang isang maliit na grupong humiwalay sa Muslim Independence Movement. Ang MNLF ang nangungunang organisasyon sa mga separatistang Moro ng halos dalawang dekada na nagsimula noong dekada 70. Sa ilang bahagi ng dekada 90, humiwalay ang ilang miyembro ng MNLF upang buuin ang Abu Sayyaf Group (ASG), isa sa mga pinakamarahas na teroristang grupo sa Pilipinas.

Noong 1996, nilagdaan ng MNLF ang mahalagang kasunduang pangkapayapaan kasama ang pamahalaan ng Pilipinas na lumikha ng Special Zone of Peace and Development (SZOPAD). Ang tagapangalan ng MNIL na si Nur Misuari ay pinangalanang gobernador ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), isang lugar na binubuo ng dalawang pangunahing probinsya at tatlong islang probinsya kung saan ang populasyong karamihan ay Muslim ay ginawaran ng isang antas ng sariling pamamahala. Ang mga paminsan-minsang labanan sa pagitan ng mga ekstremistang rebelde at puwersang panseguridad ng pamahalaan ang nagpatuloy sa Mindanao, at marami sa mga residente ng rehiyon ay tinawag ang paglikha ng gaganang balangkas para sa makabuluhang autonomiua at pagpapaunlad ng Muslim na Mindanao.

Noong Setyembre 29, 2009 sa isla ng Jolo, Pilipinas, isang bombang inilagay ng MNLF ang nagpasabog sa isang komboy ng mga sasakyang militar. Ang pagsaboy ay pumatay sa dalawang sundalo ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos at isang sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas *AFP), na bahagi ng misyong pangkawanggawa na magtatayo ng paaralan sa lugar.

Noong 2013, In 2013, ang masasamang elemento ng MNLF ay nagsagawa ng marahas na tatlong-linggong pagkubkob sa Lungsod ng Zamboanga na pumatay sa dose-dosenang miyembro ng Philippine Security Force at kung saan napilitang lumikas ang libu-libo.

Sa kasalukuyan, ang MNLF ay binubuo ng maraming paksyon, na ang ilan sa mga ito ay sumuporta sa mga negosasyon sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng maliit na grupong humiwalay na Moro Islamic Liberation front (MILF). Ang mga negosasyong iyong na nauwi sa pagpasa ng Bangsamoro Organic Law (BOL) noong 2018 at paglikha ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) noong 2019.

Skip to content