Mga Insidente ng Bombang Sulat

Europa at Eurasya | Kanlurang Emisperyo | Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa mga Insidente ng Bombang Sulat.  Sa pagitan ng Disyembre 1996 at Enero 1997, 16 na bombang sulat na nakabalatkayo bilang mga pang-holiday na greeting card ay inihatid sa pamamagitan ng sulat sa mga tagatanggap na nasa Estados Unidos at United Kingdom.

Sa mga bombang sulat na ito, 13 ang natanggap sa mga tanggapan ng pahayagang al-Hayat sa Lungsod ng New York, Washington, D.C., at London. Isang bomba ang sumabog sa London, kung saan malubhang napinsala ang dalawang katao. Ang ibang tatlong bombang sulat ay nadiskubre sa pederal na bilangguan ng Estados Unidos sa Leavenworth, Kansas.

Ang bawat isa sa mga sulat na bomba ay mayroong tatak-koreo na mula sa Alexandia Egypt na may petsa noong Disyembre 21, 1996, at wala sa mga ito ay naglalaban ng pabalik na address. Ang mga bomba ay nasa puting puting sobre na may mga address na inilabas ng computer at iba’t ibang mga marka.

Skip to content