Ang Kurdistan Workers’ Party (PKK) ay isang Kurdish na separatistang grupo na pangunahing aktibo sa hilagang Iraq at timog-silangang Turkey. Ang grupo, na pangunahing binubuo ng Turkish Kurds, ay naglunsad ng kampanya ng karahasan noong 1984. Ang orihinal na layunin ng PKK ay magtatag ng isang independiyenteng estadong Kurdish sa timog-silangang Turkey. Sa unang bahagi ng dekada 90, hinigitan ng PKK ang mga insurektong aktibidad na nakabase sa mga probinsya upang makibahagi sa terorismo sa kalunsuran.
Itinanggi ng PKK ang karahasan mula 1999 hanggang 2004 noong ang hindi matitinag na militanteng grupo nito ang kumontrol at itinakwil ang sarili nitong ipinataw na tigil-putukan. Noong 2009, muling sinimulan ng pamahalaan ng Turkey ng PKK ang mga negosasyong pangkapayapaan. Ngunit, nasira ang mga pag-uusap pagkatapos magsagawa ang PKK ng pag-atake noong Hulyo 2011 na pumatay sa 13 sundalong Turko. Ang PKK at mga puwersang Turko ay paulit-ulit na naglabanan noong 2011 at 2012, kabilang ang pag-atake noong Oktubre 2011 na pumatay sa 24 na sundalong Turko at ito ang naging pinakanakamatay na insidente mula pa noong 1993. Noong 2018, maraming pag-atakeng isinagawa ng OKK ang inulat laban sa mga puwersang panseguridad ng Turkey, kabilang ang pag-atakeng inamin ng PKK noong Nobyembre laban sa base ng hukbong katihang Turko na nagresulta sa dose-dosenang pagkamatay.
Noong Oktubre 8, 1997, itinalaga ng U.S. Department of State ang PKK bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Pagkatapos, noong Oktubre 31, 2001, itinalaga ng Department of State ang PKK bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng PKK na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa PKK. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa PKK.
