Pagdukot at Pagpatay kay Daniel Pearl

Timog at Gitnang Asya

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol sa pagdukot at pagpatay kay Daniel Pearl. Si Pearl, Hepe ng Wall Street Journal para sa Kawanihan sa Timog Asya, ay dinukot sa Karachi, Pakistan, noong Enero 23, 2002. Noong Pebrero 2002, isang video ang ipinaskil sa internet na nagpapakita ng pagpatay sa kanya. Ang mga labi ni Pearl ay nahanap noong Mayo 2002 at ibinalik sa Estados Unidos.

Noong Hunyo 2002, si Ahmed Omar Saeed Sheikh ay isinakdal sa Estados Unidos dahil sa pambibihag at pakikipagsabwatan upang isagawa ang pambibihag na nagresulta sa pagpatay kay Pearl, pati na rin ang pagdukot sa isa pang mamamayan ng Estados Unidos sa India. Noong Hulyo 15, 2002, si Sheikh at ang tatlong iba pang suspek ay hinatulan sa Pakistan, at natanggap ni Sheikh ang parusang bitay.

Noong Enero 2021, ipinawalang-sala ng Kataas-taasang Hukuman ng Pakistan ang mga sangkot sa pagdukot at pagpatay kay Pearl. Kinikilala ng Estados Unidos ang mga nakaraang pagkilos ng Pakistan na panagutin si Sheikh at itinatalang nananatiling nakakulong si Sheikh sa ilalim ng batas ng Pakistan. Ang pamahalaan ng Pakistan ay inaasahang pag-aaralang muli ang mga legal na opsyon nito upang matiyak na naitataguyod ang katarungan. Naghanda rin ang Estados Unidos para usigin si Sheikh para sa kanyang mga karumal-dumal na krimen laban sa isang mamamayang Amerikano.

Skip to content