Jemaah Islamiyah (JI)

Silangang Asya at Pasipiko

Gantimpala

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Jemaah Islamiya (JI) ay isang teroristang grupong nakabase sa Timog-Silangang Asya na nagsisikap na magtatag ng isang caliphate sa rehiyon. Ang JI ay responsable sa malalaking teroristang pag-atake sa rehiyon, kabilang ang pagbomba noong Oktubre 2022 sa isang Bali nightclub na pumatay sa mahigit 200 katao, ang pagbomba noong Agosto 2003 sa Marriott Hotel sa Jakarta kung saan 12 indibidwal ang namatay, at ang pagpapatiwakal na pagbomba noong Oktubre 2005 na pumatay sa 26 na katao.

Noong Oktubre 23, 2002, itinalaga ng U.S. Department of State ang JI bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito, at bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng JI na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa JI. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa JI.

Skip to content