Jamal Saeed Abdul Rahim

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Jamal Saeed Abdul Rahim na kilala rin bilang si Ali Al Jassem Fahd at Ismael. Si Rahim, ang pinaghihinalaang miyembro ng teroristang grupong Abu Nidal Organization, ay pinaghahanap para sa kanyang papel sa pag-hijack sa Pan Am Flight 73 noong Setyembre 5, 1986 sa Karachi, Pakistan. Pagkatapos gawing bihag ang 379 pasahero at mga tauhan ng halos 16 na oras, sinimulan ng mga hijacker ang walang patumanggang pamamaril. Dalawampung katao, kabilang ang dalawang Amerikano, ang napatay at mahigit 100 ang nasugatan.

Para sa kanyang papel sa pag-hijack, si Rahim ay isinakdal ng pederal na grand jury ng Estados Unidos at nasa Listahan ng mga Teroristang Mahigpit na Pinaghahanap ng FBI. Si Rahim ay malamang na naninirahan sa Gitnang Silangan.

Skip to content