Ang ISIS West Africa (ISIS-WA), isang paksyon ng teroristang grupong Boko Haram, ay nilikha noong sumumpa ng katapatan ang ISIS-WA sa ISIS noong Marso 2015. Tinanggap ng ISIS ang panunumpa ng grupo, at sinimulan ng grupong tawagin ang sarili nilang ISIS-West Africa. Pangunahing aktibo sa hilagang-silangang Nigeria at sa mas malaking rehiyon ng Lake Chad, ang ISIS-WA ay nagsagawa ng maraming teroristang pag-atake simula pa noong 2016. Noong Nobyembre 2018, inamin ng ISIS-WA ang responsibilidad sa limang pag-atake sa Chad at Nigeria na nagresulta sa 118 kamatayan. Noong Mayo 2019, inamin ng ISIS-WA ang responsibilidad sa dalawang pag-atake sa kanlurang Niger na pumatay sa 29 na sundalo. Noong Hulyo 2019, pinatay ng mga mandirigmang ISIS-WA ang 20 sundalong taga-Nigeria at limang sundalong taga-Chad noong panahon ng pag-atake sa isang base militar na malapit sa Baga, Nigeria.
Noong Pebrero 28, 2018, itinalaga ng U.S. Department of State ang ISIS-WA bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Noong nakaraan, noong Pebrero 27, 2018, itinalaga ng Department of State ang ISIS-WA bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng ISIS-WA na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa ISIS-WA. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa ISIS-WA.
