Mga Mekanismong Pampinansyal ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran

Gantimpala

Hanggang 15 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $15 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga mekanismong pampinansyal ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran at lahat ng iba’t ibang sangay nito, kabilang ang IRGC-Qods Force (IRGC-QF). Pininansyahan ng IRGC ang maraming teroristang pag-atake at aktibidad sa buong mundo. Pinamumunuan ng IRGC-QF ang mga teroristang operasyon ng Iran sa labas ng bansa sa pamamagitan ng mga kinatawan nito gaya ng Hamas, Hizballah, at ng mga milisyang grupo sa Iraq na sinusuportahan ng Iran.

Ang U.S. Department of State ay naghahandog ng mga gantimpala para sa impormasyon tungkol sa mga pinagmumulan ng kita para sa IRGC, IRGC-QF, ang mga sangay nito o mga pangunahing mekanismo nito sa pangangasiwa ng pananalapi, upang kabilangan ng:

  • Mga ilegal na pinansyal na plano ng IRGC, kabilang ang langis-para-sa-pera;
  • Mga pangharap na kumpanyang sangkot sa pandaigdigang aktibidad sa ngalan ng IRGC;
  • Mga entidad o indibidwal na tumutulong sa IRGC sa pag-iwas sa mga parusa ng Estados Unidos at ng ibang bansa;
  • Mga pormal na pinansyal na institusyong nakikipagnegosyo sa IRGC;
  • Paano inililipat ng IRGC ang mga pondo at materyal sa mga terorista nito at ng kahaliling milisya at kasosyo;
  • Mga nagbibigay ng pera sa IRGC o mga tagapangasiwa ng pananalapi;
  • Mga pinansyal na institusyon o mga lugar para sa pakikipagpalitan na nangangasiwa sa mga transaksyon ng IRGC;
  • Mga negosyo o pamumuhunan na pagmamay-ari at kontrolado ng IRGC o mga nagpipinansya rito;
  • Mga pangharap na kumpanyang nakikibahagi sa internasyonal na pagkuha ng teknolohiyang dalawa ang gamit sa ngalan ng IRGC;at
  • Mga planong kriminal na kinasasangkutan ng mga miyembro at tagasuporta ng IRGC na sa pinansyal na paraan ay pinakikinabangan ng organisasyon.

Itinatag noong 1979 pagkatapos ng Rebolusyon sa Iran, ang IRGC ay sangay ng militar ng Iran. Sa pamamagitan ng Qods Force nito, ang IRGC ay may pinakamalaking papel na ginagampanan sa mga kumikilos sa Iras pagdating sa pagdirekta at pagsasagawa ng pandaigdigang teroristang kampanya ng rehimen.

Ang IRGC ay naging sangkot sa mga teroristang plano at sinusuportahan ang terorismo sa buong mundo. Ang IRGC ay responsable sa maraming pag-atakeng pinagtutuunan ang mga Amerikano at pasilidad ng Estados Unidos kabilang ang mga pumatay sa mga mamamayan ng Estados Unidos. Sinuportahan ng IRGC ang mga pag-atake laban sa Estados Unidos at sa mga kaalyadong sundalo at diplomatikong misyon sa Afghanistan at Iraq.

Bukod dito, kumuha ng mga bihag ang IRGC at sa maling paraan ay kinulong ang maraming mamamayan ng Estados Unidos, na ang karamihan sa mga ito ay nananatiling nakakulong ngayon sa Iran.

Pinlano ng IRGC-QF ang maraming malalaking teroristang aktibidad sa buong mundo, sa mga bansang gaya ng Bahrain, Bosnia, Bulgaria, Germany, Kenya, Turkey, at Estados Unidos.

Noong Abril 15, 2019, itinalaga ng Department of State ang IRGC bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng Seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamiyenda nito. Noong 2017, itinalaga ng U.S. Department of Treasury ang IRGC bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito, para sa mga aktibidad nitong sumusuporta sa IRGC-QF. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian at mga interes sa ari-arian ng IRGC na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa IRGC. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa IRGC.

Skip to content