Ibrahim al-Banna

Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Ibrahim al-Banna na kilala rin bilang si Abu Ayman al-Masri. Si Al-Banna ang nakakataas na lider ng al-Qa’ida in the Arabian Peninsula, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (FTO, Banyagang Teroristang Organisasyon). Siya ang miyembrong tagapagtatag ng AQAP, nagsilbi bilang hepe ng seguridad ng grupo, at nagbigay ng militar at gabay na panseguridad sa pamunuan ng AQAP. Si al-Banna ang pinakahuli sa mga miyembrong tagapagtatag ng AQAP.

Sa isang artikulo noong 2010 para sa online na magasin ng AQAP sa Ingles na Inspire, inilarawan ni al-Banna ang mga teroristang pag-atake noong Setyembre 11, 2001 sa Estados Unidos bilang marangal at nagbantang pupuntiryahin ang mga Amerikano sa buong mundo bilang pagtugon sa mga aksyon ng Estados Unidos sa ibang bansa. Bago ang kanyang pagkamiyembro sa AQAP, si al-Banna ay ang lider ng Egyptian Islamic Jihad sa Yemen mula 1996 hanggang 1998 at pagkatapos ay pinamunuan ang pagsasanay sa grupo at sa mga sektor ng intelihensya.

Noong Hunyo 5, 2017, itinalaga ng U.S. Department of State si al-Banna bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni al-Banna na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay al-Banna. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa FTO na AQAP.

Skip to content