Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyong mauuwi sa paggambala sa mga mekanismong pampinansyal ng Hizballah. Ang Hizballah ay nakadepende sa pagpipinansya at mga network ng pangangasiwa upang mapanatili ang mga operasyon at maglunsad ng mga pag-atake sa buong mundo. Ang Hizballah ay kumikita ng halos isang bilyong dolyar taun-taon sa pamamagitan ng direktang pinansyal na suporta mula sa Iran, mga internasyonal na negosyo at pamumuhunan, mga network ng nagbibigay ng pondo, katiwalian, at mga aktibidad ng paglilinis ng pera.
Ang Hizballah ay gumagamit ng mga pondo upang suportahan ang masasamang aktibidad nito sa buong mundo, kabilangang: pagpapadala ng mga milisyang miyembro nito sa Syria bilang pagsuporta sa diktaduro ni Assad; mga diumanong operasyon upang magsagawa ng pagsubaybay at makakikom ng intelihensya sa Estados Unidos; at mga pinahusay na kakayahang militar sa puntong sinasabi ng Hizballah na mayroon silang mga precision-guided missile. Ang mga teroristang operasyong ito ay pinipondohan sa pamamagitan ng pandaigdigang network ng mga pinansyal na tagasuporta at aktibidad ng Hizballah — mga pinansyal na tagapaghikayat at imprastruktura na bumubuo sa bumubuhay sa grupo. Ang Hizballah ay tumatanggap ng napakaraming sandata, pagsasanay, at pagpopondo mula sa Iran, isang itinalaga ng U.S. Department of State na Bansang Tagapagtaguyod ng Terorismo.
Noong Oktubre 8, 1997, itinalaga ng Department of State ang Hizballah bilang isang Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon) sa ilalim ng seksyon 219 ng Immigration and Nationality Act, ayon sa pagkakaamyenda nito. Pagkatapos, noong Oktubre 31, 2001, itinalaga ng Department of State ang Hizballah bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian ng Hizballah na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay sa Hizballah. Isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa Hizballah.
Ang Department of State ay naghahandog ng mga gantimpala para sa impormasyong mauuwi sa pagtukoy at paggambala sa:
- Mahahalagang pinagkukunan ng kita para sa organisasyon o sa mga pangunahing mekanismo nitong nangangasiwa sa pananalapi;
- Malalaking nagbibigay ng pera at mga pinansyal na tagapangasiwa ng Hizballah;
- Mga pinansyal na institusyon at pamalit na tirahang sadyang nangangasiwa sa malalaking transakston ng Hizballah;
- Mga negosyo at pamumuhunang pagmamay-ari o kontrolado ng Hizballah;
- Mga pangharap na kumpanyang nakikibahagi sa pandaigdigang pagkuha ng teknolohiyang may dalawang-paggamit; at
- Mga planong kriminal na kinasasangkutan ng mga miyembro at tagasuporta ng Hizballah na nakikinabang sa pananalapi ng organisasyon.
