Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Fuad Mohamed Khalaf na kilala rin bilang si Fuad Shongale. Si Khalaf ay isang lider ng al-Shabaab at pinangasiwaan ang pinansyal na suporta para sa itinalagang ito ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).
Noong Abril 2008, si Khalaf at ang ilang indibidwal ay nagdirekta ng mga pag-atakeng ginagamitan ng pasabog na lulan ng sasakyan sa mga base ng Ethiopia at mga elemento ng Transitional Federal Government sa Mogadishu, Somalia. Noong Mayo 2008, si Khalap at ang grupo ng mga mandirigma ay inatake ang binihag ang istasyon ng pulisya sa Mogadishu, kung saan namatay at nasugatan ang ilang sundalo. Sa buwan ding iyon, nagdaos ng dalawang kaganapang lumilikom ng pagpopondo para sa al-Shabaab sa mga moske sa Kismaayo, Somalia.
Noong Abril 13, 2010, itinalaga ng U.S. Department of Treasury si Khalaf bilang isang Specially Designated National (Espesyal na Itinalagang Mamamayan) alinsunod sa Executive Order 13536 dahil sa pag-aambag sa karahasan at paghina ng seguridad sa Somalia. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni Khalaf na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay Khalaf. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta sa Al-Shabaab, isang itinalagang FTO.
