Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Faker Ben Abdelaziz Boussora na kilala rin bilang si Abu Yusif al-Tunisi o Fakeroun. Si Boussoura ay isang operatibang sinanay ng al-Qaida (AQ) na may idineklarang mga layuning maging isang nagpapatiwakal na tagabomba. Siya ay may malalawak na koneksyon sa mga radikal na Islamikong ekstremista at kasama ng taga-Tunisia na teroristang suspek ng AQ na si Abderraouf Jdey. Nilisan ni Boussora ang kanyang bayang Tunisia noong 1988 at lumipat ng France. Umalis siya ng France noong 1991 at lumipat sa Montreal, Canada, at madalas na nagpabalik-balik mula Canada hanggang Tunisia noong dekada 90. Nakamit ni Boussora ang pagkamamamayan ng Canada noong 1999. Sa taon ding iyon, umalis si Boussora ng Canada patungong Afghanistan, kung saan natanggap niya ang pagsasanay bilang terorista mula sa AQ. Pagkatapos ay bumalik si Boussora sa Canada. Kasalukuyang hindi alam ang kanyang kinaroroonan. Ang mga awtoridad ay nananatiling nangangamba na maaaring bumalik si Boussora sa Canada o sa Estados Unidos upang magplano o makibahagi sa isang teroristang pag-atake. Maaaring mayroon siyang malubhang sakit at maaaring may napakasamang kalusugan na nagresulta sa pagbaba ng timbang at mabago ang pisikal na kaanyuan.
