Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $10 milyon para sa impormasyon tungkol sa pag-atake laban sa Pansamantalang Pasilidad para sa Misyon ng Estados Unidos at sa Annex ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya. Noong Setyembre 11-12, 2012, apat na Amerikano — ang Embahador ng Estados Unidos sa Libya na si John Christopher Stevens, Opisyal ng Pamamahala ng Impormasyon para sa Serbisyong Panlabas na si Sean Smith, at ang mga Espesyalista sa Pumuprotektang Seguridad na sina Glen Anthony Doherty at Tyrone Snowden Woods— ay napatay sa teroristang pag-atake laban sa Pasilidad para sa Pansamantalang Misyon ng Estados Unidos at Annex ng Estados Unidos sa Benghazi. Ang mga terorista ay naglunsad ng serya ng mga pag-atakeng kinapapalooban ng arson, pagpapaputok ng mga awtomarikong sandata, mga granadang rocket-propelled, at mga mortar sa dalawang pasilidad ng Estados Unidos, pari na rin ang tauhan ng Estados Unidos na naglalakbay sa pagitan ng dalawang lokasyon. Bukod dito, malubhang nasugatan sa mga pag-atake ang dalawang iba pang tauhan ng Estados Unidos, nasugatan ang tatlong guwardiyang nakakontrata sa Estados Unidos, at nagresulta sa pagkasira ng at pag-iwan sa parehong pasilidad.
Si Embahador John Christopher Stevens, 52, ay ipinanganak sa hilagang California at sinimulan ang kanyang karera sa Serbisyong Panlabas noong 1991. Si Embahador Stevens ay naglingkod sa maraming pagtatalaga sa ibang bansa at naging Deputadong Hepe ng Misyon sa Libya mula 2007 hanggang 2009. Mula Marso 2011 hanggang Nobyembre 2011, si Embahador Stevens ay nagsilbi bilang Espesyal na Kinatawan sa Libyan Transitional National Councol, at dumating sa Tripoli noong Mayo 2012 bilang Embahador ng Estados Unidos sa Libya. Bago sumali sa Serbisyong Panlabas, si Embahador Stevens ay isang abogado ng pandaigdigang kalakal sa Washington, D.C. Dati siyang nagturo ng Ingles bilang boluntaryo ng Peace Corps sa Morocco mula 1983 hanggang 1985. Ang Kalihim ng Estado na si Hillary Rodham Clinton ay kinilala si Embahador Stevens bilang isang “matapang at mabuting tao, napakahusay na diplomat, at isang Amerikanong bayani.”
Si Sean Smith, 34, ay ipinanganak sa San Diego, California at nagpatala sa Air Force noong 1995 na nagsilbi bilang ground radio maintenance specialist at Staff Sergeant. Sumali si Smith sa Serbisyong Panlabas noong 2002 bilang isang Opisyal ng Pamamahala ng Impormasyon na nagsisilbi sa iba’t ibang pagkakatalaga sa ibang bansa, kabilang and Baghdad, Pretoria, Montreal, at The Hague. Naglakbay si Smith patungong Benghazi noong Setyembre 2012 upang magbigay ng suporta sa komunikasyon at pamamahala sa Pasilidad ng Pansamantalang Misyon ng Estados Unidos.
Si Glen Anthony Doherty, 42, ay ipinanganak sa Winchester, Massachusetts at nagpatala bilang isang Navy SEAL noong 1995 na nagsilbi sa Iraq at Afghanistan sa panahon ng kanyang karera. Bago sumali sa Navy, nagtrabaho rin si Doherty bilang isang propesyonal na instruktor para sa ski, pumasok sa paaralan ng pagpapalipad ng eroplano, at isang may karanasang paramedic at tagapagsanay sa pagpapalipad ng eroplano. Noong 2005, si Doherty ay nagsimulang magtrabaho bilang isang nakakontratang pumuprotektang opisyal na nagbibigay ng seguridad para sa mga Amerikanong opisyal sa ibang bansa. Si Doherty ay naglakbay sa Benghazi noong Setyembre 2012 upang magbigay ng seguridad para sa mga tauhan ng Estados Unidos.
Si Tyrone Snowden Woods, 41, ay ipinanganak sa Portland, Oregon at nagsilbi ng dalawampung taon bilang isang Navy SEAL, nagsilbi sa maraming beses na pagkakatalaga sa Somalia, Iraq, at Afghanistan. Si Woods ay isa ring rehistradong nars at sertipikadong paramedic. Noong 2010, si Woods ay nagsimulang magtrabaho bilang isang nakakontratang pumuprotektang opisyal na nagbibigay ng seguridad para sa mga Amerikanong opisyal sa ibang bansa. Nagsilbi siya sa buong mundo na pinoprotektahan ang mga opisyal. Si Woods ay naglakbay sa Benghazi noong Setyembre 2012 upang magbigay ng seguridad para sa mga tauhan ng Estados Unidos.
