Abderraouf Ben Habib Jdey

Kanlurang Emisperyo | Malapit na Silangan – Hilagang Aprika at Gitnang Silangan | Timog at Gitnang Asya

Gantimpala

Hanggang 5 milyong dolyar

Gawin ang iyong bahagi.

Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $5 milyon para sa impormasyon tungkol kay Abderraouf Ben Habib Jdey na kilala rin bilang si Farouq al-Tunisi. Malapit na inuugnay si Jdey sa mga operatiba ng al-Qa’ida (AQ) at kasangkot sa mga planong i-hijack ang mga eroplano at iba pang mga teroristang operasyon. Si Jdey ay kasama ng teroristang suspek na si Faker Ben Abdelaziz Boussora, at silang dalawa ay maaaring magkasamang naglakbay.

Si Jdey ay ipinanganak sa Tunisia noong 1965. Lumipat siya sa Montreal, Canada noong 1991 at naging mamamayan ng Canada noong 1995. Noong 1999, nilisan ni Jdey ang Canada para tumungo sa Afghanistan, kung saan siya nakatanggap ng pagsasanay para maging terorista at karanasan sa pakikipaglaban. Nilabanan niya ang Afghan Northern Alliance at iniakda ang isang liham na nagsasaad ng kanyang layuning maging isang martir para sa jihad. Noong panahong ito, lumabas din siya sa isang video tungkol sa pagkamartir na natagpuan sa tirahan ng isang lider ng AQ noong 2001.

Si Jdey ay bumalilk sa lugar ng Montreal noong 2001. Pagkatapos gugulin ang panahon kasama ang ibang mga ekstremista tungkol sa pagsali sa jihad, nilisan niya ang Canada. Ang mga awtoridad ay nangangamba na maaari siyang bumalik sa Canada o sa Estados Unidos upang magplano o makibahagi sa pag-atake.

Skip to content