Ang Rewards for Justice ay naghahandog ng gantimpalang hanggang $7 milyon para sa impormasyon tungkol kay Muhammad Abbatay na mas kilala bilang Abd al-Rahman al-Maghrebi. Si Al-Maghrebi ay ang pangunahing lider ng al-Qa’ida (AQ) na nakabase sa Iran. Siya ay matagal nang direktor ng sangay na media ng AQ na al-Sahab, at manugang at nakakataas na tagapayo ng lider ng AQ na si Ayman al-Zawahiri.
Tinutukoy sa mga dokumentong nakuha noong panahon ng operasyong militar noong 2011 laban sa namatay na ngayong dating lider ng AQ na si Usama bin Ladin, si al-Maghrebi bilang nagiging kilalang-kilala sa AQ ng maraming taon. Si al-Maghrebi ay nagsilbi bilang pangkalahatang tagapamahala ng AQ sa Afghanistan at Pakistan mula pa noong 2012. Kasunod ng mga taon ng paghihigpit ng pandaigdigang paglaban sa terorismo, lumipat siya sa Iran, kung saan patuloy niyang pinangangasiwaan ang mga aktibidad ng AQ sa buong mundo. Bilang puno ng Tanggapan ng Panlabas na Komunikasyon ng AQ, pinag-uugnay ni al-Maghrebi ang mga aktibidad kasama ang mga kaanib ng AQ.
Noong Enero 12, 2021, itinalaga ng U.S. Department of State si al-Maghrebi bilang isang Specially Designated Global Terrorist (Espesyal na Itinalagang Pandaigdigang Terorista) alinsunod sa Executive Order 13224, ayon sa pagkakaamyenda nito. Bilang resulta ng pagkakatalagang ito, bukod sa iba pang mga konsekwensya, ang lahat ng ari-arian, at mga interes sa ari-arian, ni al-Maghrebi na sumasailalim sa hurisdiksyon ng Estados Unidos ay hinarang, at ang mga mamamayan ng Estados Unidos sa pangkalahatan ay pinagbabawalang makibahagi sa anumang mga transaksyong nauugnay kay al-Maghrebi. Bukod dito, isang krimen ang sadyang pagbibigay, o pagtatangka o pakikipagsabwatan upang magbigay, ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa AQ, isang itinalaga ng Estados Unidos na Foreign Terrorist Organization (Banyagang Teroristang Organisasyon).
